Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads.
MODYUL 11:
KASIPAGAN,
PAGPUPUNYAGI,
PAGTITIPID AT WASTONG
PAMAMAHALA SA
NAIMPOK
KASIPAGAN: ay
tumutukoy sa pagsisikap na
gawin o tapusin ang isang
gawain na mayroong
kalidad.
Ito ay tumutulong sa tao na
malinang ang iba pang
mabubuting katangian tulad
ng tiwala sa sarili, mahabang
pasensya, katap...
na kung saan malaki ang
maitutulong nito sa tao sa
kaniyang relasyon sa
kaniyang gawain, sa
kaniyang kapwa at sa
kaniyang ...
Narito ang ilang palatandaan
ng taong nagtataglay ng
kasipagan.
1. Nagbibigay ng buong
kakayahan sa paggawa.
Ang taong masipag ay hindi
nagmamadali sa kaniyang
ginagawa. Sinisiguro niya na
magiging maayos ang
kalalabasan ng kaniyan...
2. Ginagawa ang gawain ng
may pagmamahal. Ibinibigay
niya ang kaniyang puso sa
kaniyang ginagawa ibig
sabihin naroroon ang...
3. Hindi umiiwas sa
anumang gawain. Ito ay
ginagawa niya ng maayos at
kung minsan ay higit pa na
maging ang gawain ng iba ...
Ang kabaligtaran ng
kasipagan ay katamaran. Ang
katamaran ang
pumapatay sa isang gawain,
hanapbuhay o trabaho. Ito
ang pum...
PAGPUPUNYAGI: Ang
pagpapatuloy sa gawain
kahit na ikaw ay
nahihirapan, ang pagpatuloy
kahit minsan ikaw ay
nasasaktan o na...
ang pagpapatuloy kahit
maraming natatanggap na
mga puna mula sa iba, at
ang pagpapatuloy sa kabila
ng matinding pagod at h...
Ang pagpupunyagi ay
pagtitiyaga na maaabot o
makukuha ang iyong layunin
o mithiin sa buhay. Ito ay
may kalakip na pagtitiy...
Ito ay pagtanggap sa mga
hamon o pagsubok ng may
kahinahunan at hindi
nagrereklamo. Ito ay patuloy
na pagsubok ng mga gawa...
PAGTITIPID: kailangan
na maging mapagkumbaba
at matutong makuntento sa
kung ano ang meron ka. Ito
ang pinakamahalagang
par...
Nasasayang ang kasipagan at
pagpupunyagi ng isang tao
kung hindi niya
napapamahalaan ng wasto
ang kaniyang mga
pinaghirapa...
Sapagkat hindi napupulot ang
pera, hindi ito mapipitas sa mga
puno, o di kaya hindi ito
nalalaglag mula sa langit. Ang
per...
Ang Pag-iimpok ay paraan
upang makapag “save” o
makapag ipon ng salapi, na
siyang magagamit sa ating
pangangailangan sa ta...
Mayroong tatlong dahilan kung
bakit kailangan na mag-impok
Ayon kay Francisco Colayco, ang
tao.
1. Para sa proteksyon sa b...
Modyul 11: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala ng Naimpok
Modyul 11: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala ng Naimpok
Upcoming SlideShare
Loading in …5
×

Modyul 11: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala ng Naimpok

42,426 views

Published on

lesson in esp 9

Published in: Education
  • Be the first to comment

Modyul 11: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala ng Naimpok

  1. 1. MODYUL 11: KASIPAGAN, PAGPUPUNYAGI, PAGTITIPID AT WASTONG PAMAMAHALA SA NAIMPOK
  2. KASIPAGAN: ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.
  3. Ito ay tumutulong sa tao na malinang ang iba pang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang pasensya, katapatan, integridad, disiplina at kahusayan
  4. na kung saan malaki ang maitutulong nito sa tao sa kaniyang relasyon sa kaniyang gawain, sa kaniyang kapwa at sa kaniyang lipunan.
  5. Narito ang ilang palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan. 1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
  6. Ang taong masipag ay hindi nagmamadali sa kaniyang ginagawa. Sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan ng kaniyang gawain.
  7. 2. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal. Ibinibigay niya ang kaniyang puso sa kaniyang ginagawa ibig sabihin naroroon ang kaniyang malasakit.
  8. 3. Hindi umiiwas sa anumang gawain. Ito ay ginagawa niya ng maayos at kung minsan ay higit pa na maging ang gawain ng iba ay kaniyang ginagawa.
  9. Ang kabaligtaran ng kasipagan ay katamaran. Ang katamaran ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
  10. PAGPUPUNYAGI: Ang pagpapatuloy sa gawain kahit na ikaw ay nahihirapan, ang pagpatuloy kahit minsan ikaw ay nasasaktan o nagdurusa,
  11. ang pagpapatuloy kahit maraming natatanggap na mga puna mula sa iba, at ang pagpapatuloy sa kabila ng matinding pagod at hirap makamit mo lamang ang iyong minimithi sa buhay
  12. Ang pagpupunyagi ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin sa buhay. Ito ay may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan at determinasyon.
  13. Ito ay pagtanggap sa mga hamon o pagsubok ng may kahinahunan at hindi nagrereklamo. Ito ay patuloy na pagsubok ng mga gawain hanggat hindi nakakamit ang mithiin.
  14. PAGTITIPID: kailangan na maging mapagkumbaba at matutong makuntento sa kung ano ang meron ka. Ito ang pinakamahalagang paraan ng pagtitipid.
  15. Nasasayang ang kasipagan at pagpupunyagi ng isang tao kung hindi niya napapamahalaan ng wasto ang kaniyang mga pinaghirapan.
  16. Sapagkat hindi napupulot ang pera, hindi ito mapipitas sa mga puno, o di kaya hindi ito nalalaglag mula sa langit. Ang pera ay pinagpapaguran upang kitain ito. Kaya kinakailangan lamang na gastusin sa tama upang huwag itong mawala.
  17. Ang Pag-iimpok ay paraan upang makapag “save” o makapag ipon ng salapi, na siyang magagamit sa ating pangangailangan sa takdang panahon.
  18. Mayroong tatlong dahilan kung bakit kailangan na mag-impok Ayon kay Francisco Colayco, ang tao. 1. Para sa proteksyon sa buhay. 2. Para sa mga hangarin sa buhay. 3. Para sa pagreretiro.
мяч для фитнеса купить

ракетки для настольного тенниса

купить сороконожки недорого

×